Script Writing

COMERCIAL

FADE IN:

EXT. Black screen

Music. Intro (Piano)

EXT. HOME – Tapat ng bahay/Kwarto

EXT. Kusina / Loob ng bahay

Gigising na naman sa umaga at muling babangon sa kama, Dala dala ang mga ngiti at Ang sarili ay ihahanda na, hindi matatakot sa mga bagay na hindi pa nakikita. Basta alam kong andyan ka sa tabi ko at lagi kitang kasama.

Kahit pagod ay may pahinga sa mundong ating ginagalawan Laging nasa isip ang iyong mga mata at napagakaganda mong larawan, Laging nanabik na muli kang mayakap at mahagkan. Halika na't mag kape simulan na natin ang eksena. Bawat higop ay kay sarap na ani mo'y nakakagana, Bawat katas nilalasap sobrang bango pa ng aroma, Dahil alam naman natin na ang kape ay kapatid na ng umaga. Tara? Kape tayo?

Papasok ng Trabaho.

Jf

Mahal alis na ako.

Claire

May gusto sana ako sabihin.

Jf

Ano iyon mahal.?

Claire

Pagbalik mo, tska ko sa bihin.

Jf

Sige po. Kain ka na ah. Love you.

Claire

Ingat.

Transition:

Ext. Sa loob ng kwarto

Nakakapagod at ang sarap na mag pahinga, Pero teka sandali, Ba't bigla ka nalang nag iba? Napalitan nalang bigla ng lungkot ang dating masaya,

Music. Malungkot na tunog

Parang gumuho ang mundo dahil bigla mo nalang ako iniwan, Akala ko tayong dalawa ang mag sasama hanggang hangganan, Kape nalang ba talaga ang pahinga at pwede kong makakwentuhan, Nakakapagod na mag tiwala, nakakatakot ng maniwala, Hindi na maipinta sa mata ang sakit na tinatamasa, Gulong gulo na nalilito pa, Salamat at paalam, pinapalaya na kita , Ako ay lilipat narin sa bagong pahina.

Makalipas ang Limang Buwan.

Habang nag lalakad may tumawag sa kanyang telepono.

Jf

Hello sino to?

Marie

Ako to si Marie.

Jf

Ikaw pala yan, Kamusta?

Marie

Mabuti naman. Nang-nganga musta lang.

Jf

Saan mon a kuha number ko?

Marie

Kay Mariz.

Jf

Ah huling kita natin high school pa

Marie

Kaya nga eh

Jf

So kalian ka free.

Marie

Next week

Jf

Okay kape tayo ?

Ext: Introducing Coffee brand

The End

 

 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

Excercise 1 Ecatalog - (Finals)

Activity 2 Drawing Canvas